Friday, November 26, 2004

busy talaga akong mag-aral...

paumanhin kung hindi na ako nakakapag post... ngarag ang buhay ko sa ngayon. bukod doon, lumipat kami ng bahay at wala pang linya ng telepono kaya wala rin akong internet connections... hmmm

kahapon, diba nagkaroon ng welga... kawawang ako, walang masakyan papasok ng aking pamantasan. buti na lang at may dumaang mmda stranded passengers assistance thingy na yun. nakalibre na ako sa pamasahe, nakapasok pa ako. ang masakit, isa lang na class ang napapasukan ko, nagdeclare na suspended na ang klase. well, at least may baon ako... hehehe.

i passed na my requirement sa malikhaing pagsulat na klase ko. i just can't imagine na after ng sem, magiging 25 pages na siya... hmmm...

i knew some things just this week sa mp 174 class ko. meron palang such a thing as eskimo kiss? hehe. at super traumatic pala ang up medical check up sa freshmen before... kasi pilahan ng mga hubad sa clinic, at ma huhumiliate ka talaga... patutuwarin ka and stuff. inaanounce pa ang mga taong "tinitigasan". buti na lang, bago na ang sistema noh...

my comm 140 prof told us about luring someone to fall in love with you... it's the double-barreled wink technique. my classmate asked her if it is effective, isa lang ang sagot niya... she had lots of boyfriend then... i wonder? ito kaya ang ginamit niya to marry her ex-seminarian husband?

my polsci14 prof told us to bring crayons the next meeting... weird noh, for a polsci class.

my sts class pala is so fun! group reportings kasi. then this one group used a beauty pageant theme for their report on stone age, the iron age, and the likes... it's called MISS ANTIQUITY! sobrang saya. imagine 5 males competing for the title. hehe.

diba, busy ako sa pag-aaral...

Monday, November 15, 2004

ingrato!

Lagi na lang akong nakakasakit ng damdamin. Lalo na sa mga taong sa akin ay nagmamahal. Ganun na lang ba lagi ang takbo ng buhay ko? Ang mahalin at manakit? Ang dumating at mang-iwan? Ang kunin ko ang lahat-lahat, at hindi mamalimos ng kaunting pagtingin? Ang pugpugin ng pagmamahal, ngunit kulang o mali ang ibabalik? Ano ba ang tama? Hindi ko na alam pa.

Sunday, November 14, 2004

Ang J101 class ko ay masayang tunay!

Reason no. 1

Akala ko malelate na ako sa journ class ko kanina. Medyo late na rin kasi akong nagisisng at umalis ng bahay. Eniweiz, I saw Vanessa kanina, yung eng1 classmate ko kay Mr. Bagulaya. At ito ang rough description ng aming conversation:

Moi: kala ko malelate na ako!
Vane: Bakit? San ka ba nanggagaling?
M: Bulacan pa.
V: May kilala ka bang J******n?
M: Ahhh… si J******n **a* ********a na L* na tiga *** na kaibigan si **e*** na ang bday ay sa 0*/**/85?
V: Kilala mo nga siya!

V: nakita ko nga sila sa **** dati. Kailan kaya sila magkakatuluyan noh? Total matagal na naman silang magkaibigan at bagay naman sila.

Reason no. 2

Sa loob ng isang oras at kalahati naming pagkikita ay nabara ako ng talong beses ng prof ko. Kilala na niya agad ako.

Reason no. 3

May diagnostics exam kami about spelling and balarila. Madali siya, kaya mas asar ako. Madali na nga… pangit pa ang score!

Reason no. 4

He is back from outer space.

Reason no. 5

May on the spot news writing and news casting kami by next week.

Isang malaking pasasalamat pala kay wanda (di tunay na pangalan) na nagpahiram sa akin ng bolpen kanina. Kasi naman, handang handa ako na pumasok kanina eh…

Saturday, November 13, 2004

Classes!

I woke up early today. 4:30am. Bakit naman hindi, my first class starts at 7:00 am! Kala ko nga malelate na ako eh. Buti na lang medyo late din dumating si Prof Alcantara (Kom 2). She’s kinda nice naman, at ma-incentive na prof as long as on time kang magsubmit ng requirements at di ka nag-aabsent. Sabi nga niya, walang taong bobo, mga tamad lang. She is kinda kalog din at makwento. Kengkoy nga daw siya, sabi niya. Kaya daw maaga yung class niya e para matupad ang kanyang mga plano: to have a videoteleconference sa University of California. Bongga diba!

Medyo late na nga kami pinalabas ni ma’am ruby kaya kala ko late na ko sa Comm140 class ko. Buti na lang, lumipat kami ng room kasi medyo maliit yung room na na-assign sa amin. Prof Pernia is kinda nice din kahit na intimidating yung looks niya. Yung mukhang istrikta. Pero masaya siyang mag discuss. She even cited the practical applications of Comm Theories sa life niya eh especially sa pagpapasunod ng mga anak! She even said about communication’s similarity to conception. Hmmm…. Interesting! And winner ang class policies niya. Pag may phone na tumunog, that means ice cream time, expenses paid by the phone’s owner! Hmmmm…

Di kami sinipot ng aking MP 170 prof. Wala kaming kamalay malay na dissolved na pala ang class na iyon. Kaya MP 174 ang alternate elective.

Intimidating din ang aking Polsci prof. We had an exam. Strict sa class policies. Beware!

STS is also nice. Met new people na groupmates ko din sa reporting. Nakaka op lang kasi yung mga katabi kong classmates ay may partners in life. They have found their significant others.

Saturday, November 06, 2004

wag there!

Tanghali na akong nakapunta sa UP para mag-enroll. Tanghali na kasi ng naimulat ko ang mata kong maga pa. kailangan kong magmadali; 9 units lang kasi ang nakuha ko sa online registration at me conflict pa sa nakuha kong major subject. Buti na lang, nag-iwan ako ng number sa RA na si Cass at tinext niya ako nung may nag cancel na isang estudyante sa isa pang section ng Comm 140.

Salamat na lamang sa bagong non-prof license at frontier ni pie. Syempre ke pie din, at ke kiko, liezel, eyin, nina, etal. Naging mas madali ang enlistment ko dahil sa kanila. Naging masaya din me. Kahit papaano, nawala sa isip ko ang problems ko. Lalo na nung kinanta ni eyin ang ever famous song ng ever famous group na D’ bodies.

Wag there, wag there, may kiliti ako there. Papsi relax lang you, may kiliti ako there… aiaiai…

Ano pa be, saw cheng this morning. PE na alng ang kailangan niyang ienlist. Weird dahil pinagtripan niyang pakintabin yung balaraw sa tambayan kanina. Ganun at atalaga pag di pinoproblema ang enlistment dahilo kumpleto na yung subjects…

Nga pala, I have to take this opportunity to thank cheng, dahil sa mga texts niya kahapon. Nakakagaan ng loob.

Thursday, November 04, 2004

I don’t care if boys don’t cry

This is how I feel. Pigilin ko man, sadyang mapait ang luha para ikimkim sa mga mata. Nanlalabo na ang paningin ko, wala nang makita pa kundi mga luha, sa kanila at sa akin. Kinakapos na rin ang hininga ko sa bawat hikbi. Nalulunod na ako.

Unti unting naglalaho ang ulirat ko sa gitna ng labanang walang armas ngunit may dahas. Sa bawat salitang naririnig, nakabibinging sakit. Dalawang batong dumudurog sa sariling buto at laman.

Ang luha ko’y waring dugo, sa bawat pagtakas sa aking mga mata, nababawasan ang katawan ko ng buhay…

*Iipunin ko ang bawat luha na aagos sa aking pisngi, at gagawa ako ng karagatang maaari kong lakbayin patungo sa lupain ng kaligayahan.

CS ako last sem!

Wala akong grade below 1.75 this sem! Ngayon pa lang nangyari yun sa buong college life ko. Sana tuloy tuloy na ito! Hehe.

My first national TV appearance!

Noe texted me something that really made me a bit excited:

Hoy maki nakunan ka ng camera ng mmda naglalakad sa bangketa suot mo ung nco shirt!

So I texted him back:

Saan? Kelan? Paano? Anong itsura ko?

Sa channel 4 pala yun sa program na MMDA on the road. Nagkataon na naglalakad ako dun sa area. Well, so much for 5 seconds of fame.

Wednesday, November 03, 2004

May K ka ba?

Was listening to some folks talking… na sermon ang dating. Pinag-uusapan ang tungkol sa pagpapakasal, sa pagpili ng makakasama sa buhay, at iba pang bagay na ukol sa pagmamahal. Sa bawat sagot ng bata, may nakahanda nang sagot ang nakatatanda. Kahit anong salita ang banggitin, mas igigiit ang kaalaman ng may pinilakang buhok. Ibinase sa edad ang talakayan. Isa lang ang nasasaisip ko. Sino ba tayo para magsabi kung ano ang tamang pagmamahal? Hindi naman tayo ang nakadarama. Ang sa akin lang, lahat ng tao ay binigyan ng kakayahang umibig at ibigin. Hindi ibig sabihin na kapag hindi mo tulad umibig ang isang tao, hindi na siya marunong magmahal. Kanya kanya lang naman yan. To each his own, ika nga. Oo, masakit minsan ang magmahal at nais lamang nila ay iadya tayo sa saklap ng buhay. Ngunit paano matututo ang puso kung alin ang nararapat sa kanya? Di maihihiwalay ang mga pasakit sa buhay dahil mawawalan din ng saysay ang ligaya.

Minsan nga nasasabi kong maski ako, wala na ring pakiramdam. Ikaw? May K ka bang igiit sa akin ang tamang pagmamahal?

*Alam mo kung sino ka. Nasa tabi mo lang ako, kahit anong mangyari. Isang tawag o text lang, dadamayan kita. Malayo man ako, may kaibigang handang umagapay sa iyo. Hindi ka nag-iisang umiibig… text mo ko ha pag nabasa mo na ito…

Halloween it is...

Enough of miserable posts. Sa wakas, my old happy self is back! (Medyo childish nga lang!) Bakit hindi, I had a wonderful Halloween. Went to SM Marilao’s Midnight sale. Tapos I went to a Halloween party dressed as a ghost pirate last 31st. Kasama ang mga kapatid ko, we enjoyed the thrills of making ourselves as ugly and as scary as we want. Nga lang, I had a hard time taking the black thing I put around my eyes. Na-emphasize tuloy lalo ung eyebags ko.

Then, nagmeet kami ng relatives ko sa cemetery sa Bayugo. There is a nearby “perya”. We did sorts of stuff kasi naman minsan na lang kaming magkita. Nag videoke, nag ferris wheel, everything. Sa bahay rin sila natulog. Sumakit na ang lalamunan naming kakausap, peo ok pa rin. We do miss the company. Kung di pa siguro magkaroon ng occasion, di rin kami magkikita-kita. Sa tingin ko nga, yun ang essence ng Araw Ng Patay e. Yung magkasama-sama ang mga nabubuhay pang kamag-anak ng yumao. Maikli lang naman talaga ang buhay. Kaya habang me pagkakataon pa tayong makasama natin ang mga mahahalagang tao sa buhay natin, grab the opportunity to do so. Kung pwede nga lang tipunin lahat ng mahal mo sa buhay sa iisang lugar habambuhay… diba Jesuel?