I don’t care if boys don’t cry
This is how I feel. Pigilin ko man, sadyang mapait ang luha para ikimkim sa mga mata. Nanlalabo na ang paningin ko, wala nang makita pa kundi mga luha, sa kanila at sa akin. Kinakapos na rin ang hininga ko sa bawat hikbi. Nalulunod na ako.
Unti unting naglalaho ang ulirat ko sa gitna ng labanang walang armas ngunit may dahas. Sa bawat salitang naririnig, nakabibinging sakit. Dalawang batong dumudurog sa sariling buto at laman.
Ang luha ko’y waring dugo, sa bawat pagtakas sa aking mga mata, nababawasan ang katawan ko ng buhay…
*Iipunin ko ang bawat luha na aagos sa aking pisngi, at gagawa ako ng karagatang maaari kong lakbayin patungo sa lupain ng kaligayahan.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home