Wednesday, November 03, 2004

May K ka ba?

Was listening to some folks talking… na sermon ang dating. Pinag-uusapan ang tungkol sa pagpapakasal, sa pagpili ng makakasama sa buhay, at iba pang bagay na ukol sa pagmamahal. Sa bawat sagot ng bata, may nakahanda nang sagot ang nakatatanda. Kahit anong salita ang banggitin, mas igigiit ang kaalaman ng may pinilakang buhok. Ibinase sa edad ang talakayan. Isa lang ang nasasaisip ko. Sino ba tayo para magsabi kung ano ang tamang pagmamahal? Hindi naman tayo ang nakadarama. Ang sa akin lang, lahat ng tao ay binigyan ng kakayahang umibig at ibigin. Hindi ibig sabihin na kapag hindi mo tulad umibig ang isang tao, hindi na siya marunong magmahal. Kanya kanya lang naman yan. To each his own, ika nga. Oo, masakit minsan ang magmahal at nais lamang nila ay iadya tayo sa saklap ng buhay. Ngunit paano matututo ang puso kung alin ang nararapat sa kanya? Di maihihiwalay ang mga pasakit sa buhay dahil mawawalan din ng saysay ang ligaya.

Minsan nga nasasabi kong maski ako, wala na ring pakiramdam. Ikaw? May K ka bang igiit sa akin ang tamang pagmamahal?

*Alam mo kung sino ka. Nasa tabi mo lang ako, kahit anong mangyari. Isang tawag o text lang, dadamayan kita. Malayo man ako, may kaibigang handang umagapay sa iyo. Hindi ka nag-iisang umiibig… text mo ko ha pag nabasa mo na ito…

0 Comments:

Post a Comment

<< Home