Thursday, May 19, 2005

busy days + UTI and hyperacidity

huwag na kayong masyadong iinom ng iced tea lalo na kung may tendency ka na maging acidic. ang nangyari kasi ay kakainom ko ng iced tea (i won't mention the brand), naging hyperacidic ako at nag cause ito ng UTI. i'm having heartburn right now.

katatapos lang ng exam ko for shifting sa broadcast communication. kahapon e interview ko. sana naman ok ang kalabasan ng lahat.

sana makauwi na ako sa house namin para naman may internet connection na uli ako 24/7. hindi katulad ngayon, ang dalang ko mag-net kasi tinatamad akong magpunta sa net cafe.