ang destino
natapos na rin ang kangaragan sa buhay dahil tapos na ang destino 4.
ngarag dahil sa nasira ang porma ko sa araw na iyon maski na tinutukso ako ng gma tao na uniform ko noong highschool ang suot ko sa ilalim ng aming pink na org shirt.
well, no!!!! hindi siya ang uniporme ko noong high school!
hindi ko na enjoy ang first part ng concert dahil sa trabaho bilang isang dokumentarista na kailangang nakatungtong sa monoblock at alalayan ang tripod na hindi steady dahil nakatungtong rin siya sa monoblock. muntik pang malaglag. haaaaayyyy...
eto pa, natapunan ng coffee ang bhebhe ko...
buti na lang, nakapag relax na ako nang ipinalabas na ang love actually.
isa pang masaya ako na tapos na ang guild week, naramdaman ko na anemic na ako sa kakulangan ko sa tulog...
kaya naman minabuti ng inyong lingkod na matulog buong araw ng sabado. haaaaayyyy.... sarap matulog.
ngayon, balik na sa buhay mag-aaral. may mga scripts pa ako na dapat asikasuhin at billboard na dapat i lay out. musta naman yun diba!
haaaaayyyy!