Friday, January 13, 2006

maliit na mundo

minsan sa buhay ng tao, mararanasan mo na ang liit ng mundo, sa kabila ng lawak ng lupa na di pa natatanaw ng iyong mga mata, o nararating ng iyong mga paa.

na sa isang iglap, ang mundo na iyong ginagalawan ay hindi na katulad ng dati. na ang bawat galaw, may nakatingin. bawat salita, may nakikinig.

na ang kaligayahan, gaano man kalawak ang mapaghuhugutan, maikukulong sa iisang saglit... sa iilang sandaling inaangkin mo ang mundo, bilang sa iyo lamang.

ngunit babalik ang katotohanan na hindi ikaw ang may-ari ng mundo. na lahat ng tao sa iyong paligid ay nakikihati sa inaangkin mo.

at sa huli, ang tanging mahalaga lamang ay ang pagmamahal....

0 Comments:

Post a Comment

<< Home