Monday, February 06, 2006

tahan na...


hindi ko inisip na darating ang pagkakataong ito...

ang iiyak ako...
kasama mo...

naalala ko tuloy kung saan tayo nagsimula.
naalala ko din ang sinabi mo noong hindi ka iiyak nang dahil sa akin.

pero eto tayo. sa isang sulok ng mundong sandaling inangkin
para ilabas ang luha at nararamdaman.

ang kakatwa pa, puno ng ngiti ang mukha natin kahapon.
pero ngayon, lumbay ang naghari. pinawi ng luha ang ngiti sa labi.

mahal na mahal kita.
hindi ko makikita ang sarili ko sa ganitong sitwasyon kung hindi kita mahal.
ang nakaraan ay nakaraan na.
at gaya ng sabi mo, ang ngayon ay mahalaga.

tahan na...
may bukas pa
at marami pang bukas
para mahalin ka.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home