caught in the rapture of you...
2:00 am
nagising na ako. nakakaasar kasi hindi ko na naantay ang 12:00.
pero tama na ang pagdadrama. may lulutuin ka pa.
1. ilabas ang baka sa ref. palambutin.
2. hiwain ang brocolli at sibuyas.
3. Haluin ang sauce. timplahin. (nakakaasar talaga... wala ang sauce sa grocery kahapon. SM! ISARA!)
4. maglagay ng mantika sa mainit na kawali.
5. sangkutsahin ang bakang hiniwa nang pahaba.
6. ilagay ang sibuyas.
7. pag transparent na ang sibuyas, ihalo ang brocolli.
8. takpan sandali.
9. ibuhos ang sauce.
10. haluin.
lagyan ng asin, paminta at vetsin pampalasa.
11. takpan.
12. hanguin
3:30 am.
Ang bilis naman! Me hindi ko naramdamang ganun kabilis tumakbo ang oras. Ligo na, bilis! Wag nang mag-inarte at mag-almusal.
4:00 am.
Bihis galore! whew! Pero ang bad hair day, kailangan ngayong araw pa!!!!!!!!????
4:15 am.
Nakakaasar. Ang aga mo ngang umalis, wala namang sasakyan. Malelate na ako sa usapan namin niyan eh. Breakfast ko lang siya masosolo ngayon...
5:15 am
Nakarating na rin ako sa UP sa wakas...
5:50 am.
Ngayon ko lang naalala na di pala ako nag-almusal... TAHO muna.
7:30 am.
Dahil sa mga di inaasahang pangyayari, late na ring umalis ang bus. Ang dami pang aberya sa paglipat lipat chuchu... buti na lang me pinagkakaabalahan. ang balahurain ang pagkatao ni Ziann. hehe.
TULOG GALORE!
10:30 am.
Nakarating a rin sa destinasyon!!!!
(MSM PKRMDM Ñ)
12:00 pm.
LUNCH SA KALSADA.
1:15 am.
Start na ng adventure! HUSGADO, here i come!
-Mind you, di ako naipit!
4:30 pm.
habang naghihintay akong maglublob, me biglang sumagi sa isip ko. salamat narin sa nagpaalala sa akin. 20 minuto na lang...
4:49: 50 pm.
countdown.
10...
9...
8...
7...
6...
5...
4...
3...
2...
1...
isang buwan na ang nakaraan...
happy monthsary bhebhe.
6:00 pm
Ang bukal...
Pakiramdam ko ang laya ko.
Pakiramdam ko, nawala lahat ng takot at problema ko...
7:00 pm.
Ang kati. Nilanggam ako...
haaaayyy... Hanapan pa ng bihisan...
8:00 pm.
Uwi galore na.
Nakakapagod pero ito ang pinakamasayang araw sa buhay ko...
Masaya dahil sa kanya...
DI man kita "nakasama", ang ganito ay sapat na para mapasaya ako...
Mahal na mahal kita bhe...
0 Comments:
Post a Comment
<< Home