Saturday, December 16, 2006

edukasyon ay karapatan

oo. matagal kong tinalikuran ang magkomento at magpaka-tibak, dahil sa dami ng ginagawa, at dahil na rin sa ideyang may nagtutuloy pa ng laban.

ngunit kanina, ganun na lang ang pagkadismaya ko ng malaman kong inaprubahan na ang 300 porsyentong pagtaas ng matrikula sa unibersidad ng pilipinas.
karamihan sa ating mga kababayan ay tinitingala ang paaralan, di lamang dahil sa kalidad ng eukasyon nito, ngunit dahil na rin sa baba ng matrikula, kung ikukumpara sa iba pang mga unibersidad.
subalit ngayon, tila mababasag pa ang pangarap ng ialng mga mag-aaral na nagnananais maging isko at iska, dahil sa pagpasa ng tuition fee increase.
kung ang karaniwang matrikula kada semestre ay pumapatak lamang sa 7000, dahil sa pagpapatupad ng tofi, lagpas 20000 na ang kailangang bunuin ng mga papasok na freshees sa susunod na taon.
isang malaking sampal sa sinasabi ng pamahalaan na prayoridad nila ang pag-aaral ng kabataan, lalo na ang mga nakapasa sa state university.
ngayon ba ay ipapasa na naman sa mga magulang ang mga bagay na dapat pamahalaan ang naglalaan?
nakasaad sa konstitusyon na dapat bigyang prayoridad sa paglalaan ng pondo ang edukasyon at iba pang serbisyong pampubliko. pero ilang taon na nga bang nababalewala ito? ilang taon nang ipinapalit ang libro para sa bala at utang panlabas?
dati, masasabi ko pang walang bahid ng karumihan ang akademya. hindi na pala. hindi na.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home