Friday, February 02, 2007

paglalakbay isang madaling araw...

Ang tagal ko na ring di inabutan ng paglalakad ng madaling araw sa Campus palabas ng Philcoa. Pero dahil inabot ng ala una ang Destino 5: Heartwritten, e kinailangan naming nila Martell at Dan na lakbayin ang University Avenue palabas ng Philcoa.

Hitit ng yosi para matalo ang lamig ng umagang iyon. Kwentong walang patid para madaig ang nakabibinging katahimikan. Maya maya, pagtingin namin sa likod naming, kasunod pala namin si Belots na napagkamalan naming masamang loob na sumusunod sa amin. (Talamak naman kasi ang mga snatchers sa oras at lugar na yun e.)

At sa gabing iyon, naisipan ko lang humiyaw ng malakas. Malakas na malakas, upang ibsan ang mabigat na dinadala. Mga pagod at alalahanin sa buhay.

Tapos na ang Broadguild week sa wakas. Tapos na ang mga dapat gawin sa extra-curricular aspect ng buhay ko. Pero marami pa ring dapat gawin. Marami pa.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home